QUIBOLOY DISAPPOINTED BEING NOT INCLUDED IN CHOOSING CABINET MEMBERS





"Tatlumpong taon ng magkaibigan si Quiboloy at Duterte, walang araw na di sila magkausap, kahit na nasa US si Quiboloy ay nagtatawagan pa rin. Naglalaro sila ng golf at magkasamang madalas na magkaangkas sa motorbike. Ganyan katibay ang kanilang pagiging magkaibigan." Ayon sa tagapagsalita ni Pastor Quiboloy na si Mike Abe.

Sa pangangampanya ni Duterte sa loob ng 3 buwan pinagamit ni Quiboloy ang kanyang eroplano at helicopter upang mapadali ang pagpunta nya sa iba't ibang lugar ng campaign. Subalit sa kabila ng kanyang suporta ay naisantabi ang pangunahing supporter ni Duterte sa kanyang paghahanda sa pag upo bilang presidente.

Sabi ni Abe gusto ni Quiboloy na tulungan si Duterte upang maisakatuparan ang pangakong PAGBABAGO.

Sinabi rin ni Abe sa isang news report na nasaktan si Quiboloy na napagiwanan sya sa pagpili ng cabinet members hindi dahil sa gusto nyang mapasama doon subalit upang makibahagi sya sa pagpili ng nararapat na Cabinet members.




0 comments:

Post a Comment

 

Blogger news

Blogroll

About